Friday, October 8, 2010

LEAVING A NOTE BEFORE SEMBREAK

my first tagalog entry

una palang alam ko na
nang sinabi mo hindi pwede nga
tinatak ko sa isipang ito
hindi maaring burahin ng isang pagkakamali ko

pinanindigan ko ang salita mo
alam ko hindi talaga pwede ito
ayokong lumagpas sa linyang nakapagitan sa atin
mahirap man pigilin

bawat araw na lang napapaisip
kung tama nga ba ang mga nasa panaginip
kailangan ko pa bang humithit
upang 'di maibalik ang hirit

tigilan ko na ba ang kahibangan?
mas katanggap tangap kung mananatili ang pagkakaibigan
nais kong makita ang mga pangyayaring masaya
mas mabuti ngang ganito sa kanya

nabulabog ako ng mga katanungan ng mga tao sa paligid
kahit isigaw pa ng damdamin
nananatili pa ring "hindi pwede!"
papanindigan ko pa rin ang salitang "hindi pwede!"

ilang beses na ako nagkamali
ayoko nang maulit pa, maling pagpili
desisyon ko'y ganito
nagmamatigas ang isipan ko

ngayon pa lang ay nakikita ko
pagkakamali ang pakiramdam na ito
hindi talaga maaring maituloy pa
kahit hanggang ilang beses pang pigilan


well I have to release my thoughts, I know only one will know. I really have to keep this within myself.

-tamtamz-

No comments:

Post a Comment